Recipes

CRISPY TOFU WITH SWEET CHILI PORK SIMPOL RECIPE | Chef Tatung

Siguradong matatakam ka sa sweet chili taste ng ating #SIMPOL recipe ngayon! Dahil magluluto tayo ng tasty vegetable dish na ‘crispy tofu with sweet chili pork!’ Game?
Mga sangkap:
• ¼ kilo tofu
• Cooking oil
• 5 pcs garlic
• 2 pcs onion
• Salted black beans
• 2 pcs red bell pepper
• 1 pc green chili
• 1 cup ground meat
• 1 tbsp oyster sauce
• 3 tbsp sweet chili sauce
• 1 cup chicken stock
Paraan ng pagluto:
1. Sa isang kawali, iprito ang tofu hanggang sa mag golden brown. Hanguin at itabi.
2. Sa hiwalay na kawali, igisa ang sibuyas, bawang, salted black beans, red bell pepper, at siling haba.
3. Pagkagisa, ilagay ang giniling na baboy. Lutuin hanggang mag light brown.
4. Isunod ang oyster sauce, sweet chili sauce at chicken stock. Haluin at hayaang kumulo.